Pinoy Banat Quotes

Pinoy Banat Quotes

Girl: Kamusta na?
Boy: Ito ganun pa rin, walang labis ikaw lang ang kulang. 
"Hindi mo kailangan siLa BATMAN SUPERMAN at SPIDERMAN dahiL nandito na ako ang MAN mo saanMAN at magpakailanMAN." 
"Kung ayaw niya sayo wag mo na sya habulin pwede ka namang maglakad papunta sa akin." 
Sabi ni Peterpan magisip at pumikit ka lang makakalipad ka na. Bakit ganon nung maisip kita nahulog ako? 
Ilang beses ko lang naman siyang nagustuhan, Pagkatapos nun hindi ko na MAPIGILAN. 
Cool lang ako kung wala ka, I mean "KULANG AKO" kung wala ka. 
"Pwede bang turuan mo ako mag- budget? Napapamahal na kasi ako sayo e." 
“Hindi naman nakasara ang puso ko. Inaantay ko lang na KUMATOK KA.” 
Sana ISDA ka na lang at TUBIG ako, para di ka mabubuhay ng wala ako. 
“Alam mo bagay sayo yang damit mo. Pero mas bagay ako sayo.” :) 
Huwag mo ngang gawing tambayan ang isip ko, kapag ako naasar ikukulong kita sa puso ko!

Pinoy Banat Quotes


Anong silbi ng mga strawberry pie, banana pie at buko pie? Kung nandito ka na isang CUTIE PIE? 
Ano pa bang ibang hobbies mo? . . . . . Maliban sa pagpapatibok ng puso ko? 
Ayaw na ayaw kong lumulusong sa baha. Pero kung babahain ako ng pag-ibig mo, Aba! Sisisid pa ako! 
Magpapaka SINGLE ako, hanggang sa magiging TAYO. 
Alam mo ba kung saan ang kiliti ko? Hindi mo talaga yun mahahanap dahil nandyan yun, sa mga NGITI mo. 
"BORED ka noh? Paano ba naman kasi mag-isa ka lang dito sa HEART ko." 
Kapag ako naging BOYRIEND mo, hinding hindi ka magsasawa sa kama . . . . . KAMAmahaL Ko sayo. 
Sana Kandila ka na lang para pwede kitang itirik sa puso kong patay na patay sayo! 
Kung ang Langit KUMUKULOG-KULOG sa tuwing Umuulan . . . . . Ang PUSO ko naman, TUMITIBOK-TIBOK, sa tuwing ika’y nasisilayan. 
"Kung sa sikat ng araw, nag-iinitan ka na. Paano pa kaya pag minahal na kita. Edi nagliliyab ka na."

Pinoy Banat Quotes