Yung Moment Na.. Quotes

Yung Moment Na.. Quotes

Yong moment na tatanungin ka ng dentista habang yong kamay niya nasa loob ng iyong bunganga.... "TEH, Pano ako makakapagsalita?" 
Yong moment na miss na miss mo na siya, pero hindi mo alam kung miss ka niya rin. 
Yung moment na ang CRUSH mo nanghihingi ng tulong sayo. "Shit, Gagawin ko lang yan!" 
Yung moment na sinabi syo ng crush mo na napapasaya mo sya. 
Yung moment na ayaw mong makipag-tinginan sa guro mo kapag naghahanap ng magrerecite. 
Yung moment na sinusulat mo pangalan ng love mo sa likod ng notebook, tapos may heart-heart pa.

Yung Moment Na.. Quotes

Yung moment na sinasabi mo sa sarili mo na...."that should be me" 
Yung moment na natatakot ka na baka dumating ang araw na makakalimutan ka niya. 
Yung moment na nakahiga ka, iniisip mo yong pinag-usapan niyo, pati na rin yong sinabi mo na sana hindi mo na lang sinabi. 
Yung moment na para kang NINJA kung gumalaw sa twing mahuhulog yong cellphone mo... minsan pa nga, nagkakaroon ka ng MINI HEART ATTACK. 
Yung moment na pinalitan mo ang Facebook status mo at ni-LIKE ng ex mo. OMG, So awkward. 
Yung moment na matutulog ka na, tsaka mo lang naalala na may homework ka pa pala!

Yung Moment Na.. Quotes