Tagalog Love Quotes (July 2012)

Tagalog Love Quotes (July 2012)

TAGALOG LOVE QUOTES JULY 2012

Crush kita? Asa ka! Mahal kaya kita.

Ang pag-ibig ko sayo ay parang paghinga. Bakit ko ititigil kung alam kong hindi ko kaya?

"Aanhin ko pa ang TEMPLE RUN? kung pwede namang TAYO nalang ang mag-habulan?"

Sa Manila may MERALCO, Sa Cagayan may CAGELCO at sa Pangasinan ay PANELCO. Ikaw ano ka naman? edi MAHALCO, para may liwanag ang HEARTCO.

Hindi ka man isang Kastila, Hapon, o Amerikano, basta alam ko, ikaw ang sumakop ng puso ko.

Masarap alagaan ang RELASYON kahit na alam niyong HINDI PERPEKTO, pero ramdam niyo sa isat'isa ang pagiging KUNTENTO.

Importante ba yung word na mahal? Ewan ko lang ahh pero para sa akin mas importante ka. Kasi how can i say “mahal kita” kung wala ka.

May kanya kanyang TRIP ang mga tao. Katulad ng EMO , gusto BLACK. Si PNOY gusto ng DILAW. Ako naman gusto .. IKAW.

TAGALOG LOVE QUOTES JULY 1

"Marami ka bang nakikita? Pahingi naman ako, kahit konting pagtingin."

Sumama ka sa mabuti, hindi sa mabait. sa marunong, hindi sa matalino. sa mahal ka, hindi sa gusto ka. In short, sa AKIN, hindi sa kanila!

Naikot ko na ang buong higaan ko pero wala talaga akong makitang komportableng lugar maliban sa TABI MO.

Ayoko maging "Forever Young", kasi pag nagkataon di matutupad ang pangarap kong to "Grow Old With You".

”Di man ako kumain ng Mang Inasal, o kasing talino ni Rizal. basta matupad lang ang aking Dasal na sayo ay MAKASAL.”

Masayang bumalik sa panahong bata ka pa. Pero kung papipiliin, mas gugustuhin kong tumanda nang ikaw ang kasama.

May MALI ba sa akin? Hayaan mo na, may TAMA naman ako sayo.

Sinong may sabi na matalino ka? Di mo pa nga alam na mahal kita eh.

Tagalog Love Quotes (July 2012)