Quotes About Friendship in Tagalog

Quotes About Friendship in Tagalog
Ang tunay na kaibigan ay hindi nagagalit kapag ininsulto mo. Sa halip ay mag-iisip sila ng mga mas nakaka-insultong salita na ibabato sayo. 
Ang gusto kong mga KAIBIGAN yung malaREXONA, kasi alam kong they won't let me down! 
Pag CELLPHONE nalaglag makapag panic wagas! pero pag KAIBIGAN ang nalaglag makaTAWA parang wala ng BUKAS!!! 
Nakatutuwang isipin na meron mga taong hindi nagsasawang makasama ka kahit hindi naman sa lahat ng pagkakataon mabait ka. 
"Di baleng magkaroon ng kaibigang MAGULO. Atleast TOTOO. Hindi yung kaibagang akala mo'y SANTO. Yun pala DEMONYO." 
Ang tunay na kaibigan, magalit man hindi nang bubunyag ng sekreto. 
Ang tunay na kaibigan kahit busog yan, pag nang libre ka kakain at kakain yan. 
"Ang tunay na kaibigan, mamahalin ka sa oras na nakalimutan mong mahalin ang sarili mo." 
Ang "kaibigan" ay isang makahulugang salita dahil paano ang "ibigan" kung wala "ka". 
Aanhin ko ang maraming KAIBIGAN kung kuntento naman ako sa ISA na sinasakyan ang aking kabaliwan. 
Ang sarap lang magkaroon ng mga totoong kaibigan dahil sa katotohanang kahit nahihirapan ka na nga, di pa rin sila nagsasawang tulungan ka.
"Kahit ilang beses mong sabihin na mahiyain ka, kapag kasama mo kaibigan mo nagiging walanghiya ka." 
Ang tunay na kaibigan tatanggapin ka at hindi huhusgahan, anuman ang iyong pinagdaanan. 
Ang mga KAIBIGAN ay parang pahina ng AKLAT kapag nawala ang isa kulang na ang storya. 
Okay lang mawala sa akin ang taong minsan kong minahal. Huwag lang ang mga kaibigan kong ABNORMAL! 
Kahit gaano ka pa kasama may iilang tao pa din na kaya kang tingnan sa mabuting paraan. Ang tawag sa kanila, tunay na kaibigan. 
Okey lang kung walang ka-RELATIONSHIP basta nandyan ang aking mga ka-FRIENDSHIP. :) 
Ang maganda sa BARKADA , kahit hindi ka na magsalita, mata mo pa lang alam na nila. 
Sa mga panahon na malungkot tayo, sana may isang totong kaibigan na magsasabi sa atin na 
"Feeling ko hindi ka okey, ano bang problema mo?" 
Ang buhay ay di tungkol sa mga barkadang totoo sa harap mo. Kundi sa mga kaibigang nananatiling totoo sa pagtalikod mo. 
Sa mundo niyong magbestfriend, Ang paghampas ng ulo ng isa't isa, ay normal ng gawain. 
Ang tunay na magkakaibigan ay nagtutulungan, at hinding-hindi nag-iiwanan sa anumang problemang dumaan.
Quotes About Friendship in Tagalog