Tagalog Love Quotes (June 2012)

Tagalog Love Quotes (June 2012)

Ang BABAE hindi yan Magic Flakes na APAT DAPAT. Tratuhin mong parang C2, SOLO dapat. 
Kapag inlove ka, you define corny as romantic pero kapag di ka inlove, you define romantic as corny. 
Malalaman mong mahal mo ang isang tao kapag sa lahat ng standards mo, EXEMPTED SIYA! 
Kapag kaya mong patawanin ang isang lalaki. gusto ka nun. pero kapag kaya mong paiyakin ang isang lalaki. Love ka talaga nun. 
Ang LOVE, part yan ng buhay. Hindi ginagawang BUHAY! 
Ang pag-ibig ko sa'yo ay parang kinopyang assignment, na kapag tinanong ng iba, ang hirap i-explain. 
"Malalaman mong mahalaga para sayo ang isang tao kapag ikinikwento mo siya sa iba at hindi mo napapansin nakangiti ka na pala." 

Kapag CORNY yung tao, INLOVE yan. Kapag BITTER naman, BROKEN-HEARTED yan. 
Kung magmamahal ka, just be yourself. Hindi yan SHOWTIME para magpasikat ka pa. 
Ang LQ parang Math problem lang ‘yan! Mahirap i-solve kung kulang ng given. 
"Kung iniisip mong mahal kita, aba! THINK TWICE. Kasi MAHAL na MAHAL kita." 
Ang KISS nagpapagising, ang LOVE nagpapaligaya, ang CARE nagpapalakas, ngunit ang TEXT na galing sayo, GARANTISADO nagpapaganda ng araw ko! 
Ang LOVE parang SIPON. Bakit ayaw mo siyang ISINGA kung mas giginhawa ka kapag nawala siya? 
Ang PAG-IBIG parang malinaw na tubig. Lumalabo kapag maraming nakikisawsaw.

Tagalog Love Quotes (June 2012)